|
Ang balbal ay
ang pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang particular na
grupo ng lipunan. Mapapansin natin na lumalaganap na ang salitang kalye sa
wikang ating kinagisnan. Samu’t saring salita ang hindi maintindihan sa ating
lipunan dahil sa mga nabuong salita sa inpormal na pamamaraan. Mapapakinig mo
ang mga salitang balbal na ito maging sa kainan, kwentuhan, lansangan at
nagging kasama na sa pangaraw araw na pamumuhay. Ang antas ng lipunan na
lalong nanghihikayat sa mga kabataang naninirahan sa mababang antas ng
lipunan at makabasag tenga naman sa hanay ng mayayaman. Mahalagang maikalap
ang paksa tungkol sa balbal na salita dahil sa mga ilang suliranin na
kinakaharap ng mga kasalukuyan at mga susunod pang kabataan sa ating
henerasyon. Ang paksang ito ay kailangan upang maagapan pa ang lalong
pagkalat ng mga hindi kaayon-ayon na salita sa publiko tulad ng mga ermat,
erpat, mudra, pare, mare at iba pa.
Sa aming nakalap na impormasyon,
nakikita namin na ang balbal na salita ay nakakaapekto sa lipunan at higit
kumulang sa mga kabataan tulad namin. At ayon sa mga surveys na nakalap
naming, sinasabing ang mga balbal na salita ay mula sa “internet sites” o di
kaya ay sa mismong lansangan.Mayroong binabanggit lang ang nasabing salita
dahil sa madalas nila itong napaparinig sa paligid. Ang iba naman ay dahil sa
“expression” na salita na kung minsan ay nagiging salitang pamura na. Kumuha
rin kami ng iba’t ibang opinion mula sa mga kabataan sa social networks at
hindi ngakakalayo ang mga sagot nila sa mga katanungan. Nangalap rin kamin ng
mga datos sa piling guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan upang mahingan
ng reaksyon sa lumalalang problema ng mga mag-aaral sa henerasyon na ito. Ang
ganitong paraan ay isinagawa upang maging bukas ang pag-iisip ng nakararami
na maraming suliranin ang kinakaharap ng mga kabataan ngayon. Para sa amin,
maiiwasan lamang ang paggamit ng salitang balbal kung lahat ay mabibigyan ng
magandang kalidad ng edukasyon, sabi nga nila “Kaalaman ay yaman na kailanman
ay di maipagpapalit sa kahit ano”
|
Balbal dito,Balbal Doon, Puro Kabalbalan sa Wikang Kinagisnan
Sabado, Setyembre 26, 2015
Disenyo Ng Proyekto: Adbokasiya
Disenyo Ng Proyekto: Adbokasiya
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)
