Sabado, Setyembre 26, 2015

Disenyo Ng Proyekto: Adbokasiya

Disenyo Ng Proyekto: Adbokasiya







Ang balbal ay ang pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang particular na grupo ng lipunan. Mapapansin natin na lumalaganap na ang salitang kalye sa wikang ating kinagisnan. Samu’t saring salita ang hindi maintindihan sa ating lipunan dahil sa mga nabuong salita sa inpormal na pamamaraan. Mapapakinig mo ang mga salitang balbal na ito maging sa kainan, kwentuhan, lansangan at nagging kasama na sa pangaraw araw na pamumuhay. Ang antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataang naninirahan sa mababang antas ng lipunan at makabasag tenga naman sa hanay ng mayayaman. Mahalagang maikalap ang paksa tungkol sa balbal na salita dahil sa mga ilang suliranin na kinakaharap ng mga kasalukuyan at mga susunod pang kabataan sa ating henerasyon. Ang paksang ito ay kailangan upang maagapan pa ang lalong pagkalat ng mga hindi kaayon-ayon na salita sa publiko tulad ng mga ermat, erpat, mudra, pare, mare at iba pa.

   

      Sa aming nakalap na impormasyon, nakikita namin na ang balbal na salita ay nakakaapekto sa lipunan at higit kumulang sa mga kabataan tulad namin. At ayon sa mga surveys na nakalap naming, sinasabing ang mga balbal na salita ay mula sa “internet sites” o di kaya ay sa mismong lansangan.Mayroong binabanggit lang ang nasabing salita dahil sa madalas nila itong napaparinig sa paligid. Ang iba naman ay dahil sa “expression” na salita na kung minsan ay nagiging salitang pamura na. Kumuha rin kami ng iba’t ibang opinion mula sa mga kabataan sa social networks at hindi ngakakalayo ang mga sagot nila sa mga katanungan. Nangalap rin kamin ng mga datos sa piling guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan upang mahingan ng reaksyon sa lumalalang problema ng mga mag-aaral sa henerasyon na ito. Ang ganitong paraan ay isinagawa upang maging bukas ang pag-iisip ng nakararami na maraming suliranin ang kinakaharap ng mga kabataan ngayon. Para sa amin, maiiwasan lamang ang paggamit ng salitang balbal kung lahat ay mabibigyan ng magandang kalidad ng edukasyon, sabi nga nila “Kaalaman ay yaman na kailanman ay di maipagpapalit sa kahit ano”